Kakarelease lang ng Serato DJ 4.0.6 at dala nito ang suporta para sa tatlong Pioneer DJ mixers: ang DJM-250MK2, DJM-450, pati DJM-750MK2.
Ibig sabihin ay pwede mo nang isaksak yung laptop mo at natively mapped na siya sa Serato DJ. Pwede ka rin gumamit ng Serato DVS kung nakasubscribe ka sa Serato DJ Suite.
Isa sa pinaka sikat na DJ apps ang Serato dahil compatible ito sa napakaraming DJ mixers pati controllers.
Ang pagdagdag nitong tatlong Pioneer DJ mixers na hindi naman talaga bago (ang DJM-250MK2 ay nilabas nung 2017 pa) ay patunay sa paninindigan ng Serato DJ na maging accessible sa mas nakararaming DJ, ma-beginner man o propesyonal.
• Available na ang Serato DJ 4.0.6. Pumunta sa Serato site para sa karagdagang detalye.

Start the discussion at komunidad.pinoydj.com